Episode 18: Paglipas

Episode 18: Paglipas

Aug 18

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Someone had asked me this week if my english-dominant script on my last vidcast, The Hit List, was intentional. Well, yeah, kinda. Because I’m about to drown you in serious Tagalog this week. Haha.Ehem.

Ayan. Narinig niyo na ba ang balita tungkol kay Malu Fernandez – ang manunulat mula sa Manila Standard Today at People Asia Magazine na sumulat ng mga pagmamatang salita laban sa ating mga OFWs? Alay ko sa kanya ang bidyo na inyong mapapanood sa ibaba. At sapagkat hindi ko pa kayang gumawa ng sanaysay ukol sa Wika at Sex dahil sa aking inaalagaang imahe (ano kamo?), narito muna ang aking inihandang talumpati para sa Wika 2007 ng PinoyBlogosphere.com. At hulaan ninyo kung anong taon ko ito sinimulan (Clue: Hindi 2007) :

VOTE FOR COY NOW!Akin itong isinulat ilang taon na ang nakalipas. May pinagbago ba?Pilipinas…Philippines — ano ang pagkakaiba? Ano ang mas kaaya-aya sa ating pandinig? Katulad nga ng nakasaad sa kasabihan, “Ang rosas sa kahit anong pangalan ay patuloy pa ring hahalimuyak.” Iyan din ang ating bayan. Iyan ang tinaguriang Perlas ng Silanganan. Bawat Pilipino’y taas-noo sa harap ng mga dayuhan…

Ngunit bakit? Bakit parang ang laki na ng pinagbago? Ating pagsasalita’y linigaw na ng ating dila. Parang nawala na sa ating mga puso ang ating pagka-Pilipino. Ang iba diyan ay pasosyal-sosyal pa. Halatang ikinahihiya ang kayumangging balat sa iba. Minsan ay hindi ka na talaga makapaniwala sa mga naririnig. Wala nang paggalang ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Mapapatanong ka na lamang: Ano na nga ba ang mga nangyayari? Wala na ba tayong ibang maisip kung hindi ang sarili? Paano na ang bansa nagluwal sa atin? Huwag ninyong sabihing ang Pilipinas ay palubog na kasama natin.

 

Join the boycott! Teach Malu Fernandez a lesson! Sign up at Tingog.com!

Paggising pa lamang sa umaga ay bubungad na agad ang banyagang tinig sa radyo. Kung mapapakinggan mong magsalita, tila mas magaling pa sa Amerikano. Pati mga awitin, patuloy nang nag-iiba. – ‘tunog-puti at negro’ na lamang ang laging nasa tema. Oo nga may sumisikat ngang taga-Asya. Ngunit saan ba iyon nanggaling – hindi ba at sa Taiwan pa? Mas napupusuan pa ng mga pinoy ang mga awiting hindi nila maunawaan. Kung tutuusin, sa garbo at pagwapuhan lamang ang pinapakitang labanan. Ngunit bakit nga ba nalunod na ang tunog-pinoy at hindi na alintana? Pati mga mang-aawit natin ay tila dinala na ng agos — mga kantang purong Pilipino, parang isa-isa nang nawawala.Nakalulungkot man ngunit nakakatawa rin minsang isipin ang mga nangyayari. Isipin mo ba namang higit sa isandaan ang wikang tatak Pilipino at ni isa’y di man lang linangin at pagtalagahan? Ni sa mga pamantasan ay hindi man lang maikampanya nang lubusang mapag-aralan. Ngunit, nakakatawa pa ba talaga? Parang ang ating kultura ay unti-unti nang nawawala. Mga Tagalog nais mag-Hapon. Mga Bikolano nagpapakahirap matuto ng Pranses. Mga Bisaya, mas gusto pang mag-Ingles. Ano na ang nangyayari sa wikang Pilipino? Unti-unti na itong tinatabas ng mga mamamayan – lalung lalo na ng mga kabataan.Ito ba ang bansa na puno ng kultural na yaman? Ni wika nga natin hindi natin maalagaan! Mga taong hindi gamay ang wikang banyaga ating pinagtatawanan. Yun pala, lahat tayo’y dahan-dahan na ring nabubulok ang isipan. Ano pa kaya ang matitira sa atin kung pati ito ay napapawi na? Tayo kaya’y mga Pilipino pa?Ang wika natin ay hindi dapat maging parang ibong kapag pinakawalan ay di na bumabalik. Dapat itong linilinang at ipinagbubuti. Sa ganitong paraan pa lamang ay ipinapakita na natin ang ating pagmamahal sa inang bayan. Ito’y tatak ng isang Pilipinong tunay ang kahalalan.

Oo nga’t may mga wikang banyaga na lubos nating kailangan. Para sa kaunlaran ng bansa, ito’y dapat ring matutunan. Ngunit kung ito’y lubusan nang ipapalit sa ating maraming wika, mas maganda nang maghirap kaysa dangal ang mawala. Ipakita naman natin ang ating pagpapahalaga… upang ang kinabukasan ng Pilipinas ay tingalain ng ibang bansa.


PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

 

Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions – Web Design and Development

Yehey.com – Pinoy to p’re

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Related Posts:

  • No Related Posts
468 ad

27 comments

  1. CokskiBlue

    OK. magrereply na sana ako kaya lang exam ko na in 15 minutes. Musta naman. Hehe. Later all!

  2. utakGAGO

    Nalunod ako!!!

    Lol.

  3. aajao

    nakanang! husay ni Gat Philip Caballes! yahu!!

    PS: ano ang “sosyal” sa salitang Filipino?

  4. CokskiBlue

    @fritz

    Late man ‘tong reply ko pero bentang benta sakin yung comment mo dude! Hehe. Natawa naman ako sa mga siningit mong italicized words. Makatang-makata. Hehe.

    @renz

    Haha. sadya yang OA. kung nakita mo lang ako habang nagrerecord. hehe.

    @cars

    woah! na-gets ko. ;) tsalamat cars!

    @jehzlau

    nice seeing u again. teka. isesend ko na yung pic. hehe

  5. Ederic

    Malikhain ka talaga! :)

  6. CokskiBlue

    @kingdaddyrich

    Hindi ko rin kilala si Malu personally so I’m condemning her actions not the person herself.

    Thanks for linking. :)

    @utakgago

    Haha! Patay ako sa fans mo. :P

    @aajao

    Haha. Di ko alam e. Matanong nga kay Ederic. Hehe. Mas gusto ko na rin yung “sosyal” paa swak kay Malu Fernandez. Hehe.

    @ederic

    Salamat Pareng Ederic! Sikat na ang Writing Project nyo ni Benj! Hehe.

  7. zerovoltage

    huli man … ok sa orayt yung munti mong talumpati! :D

Trackbacks/Pingbacks

  1. CokskiBlue’s Must-Watch Episodes of 2007! : CokskiBlue - Pinoy Vlogs, Videos and Vodcasts - [...] 1. Episode 18: Paglipas [...]
  2. Here Comes Philippine Blog Awards 2008! | Prudence and Madness - [...] Video/podcast:  Paglipas [...]
  3. Hearing Filipino Voices Offline : CokskiBlue - Pinoy Vlogs, Videos and Vodcasts - [...] me to do so. Nick’s call to speak up on the Malu Fernandez issue in his blog, Tingog.com, was ...

Leave a Reply