Nostalgia: Mabagyong Buhay Masci

Nostalgia: Mabagyong Buhay Masci

Nov 02

I wrote this article 5 years ago for The Mascian (Our Batch Website). I can haz cringe now? My sense of humor back then was waaaaay off. lolz:

“Sukob na! Halika na! Sabay tayo sa payong ko…”

Yan ang kinakanta ng mga taga-ABSCBN noong rainy season last year. Pero, pagdating sa Masci, hindi ganyan ka-romantic ang tag-ulan natin. Andyan ang makabaliktad-payong na hangin, nakaka-sipong ulan at siyempre, mawawala ba ang minsang lampas-taong baha? Bahang di lamang sa kalsada makikita kundi pati sa Lovers’ Lane. Isama na rin natin ang mga tiny puddles sa quad, hallways at lalung lalo na sa CR. Hindi nyo na matatakasan ang mabagyong buhay diyan sa Masci. Kaya ang mabibigay lamang ng The Mascian ay kaunting rainy day tips sa inyo:

1. Alamin ang panahon bago umalis sa lungga mo.

Manood ka man sa “Magandang Tanghali Bayan” o sa “Unang Hirit”, walang pagkakaiba yun. Basta dapat malaman mo lang na babagyo o hindi. Kung may signal na, mas maganda na ring huwag pumasok. Pero huwag namang exag. Mamaya, ambun-ambon lang, di ka na pumasok.

2. Know your surroundings.

Kung alam ninyong palaging binabaha sa paligid mo, laging magdala ng bangka… hindi joke lang. Kung binabaha nga naman ang lugar ninyo ng matindi, mas matalino nang mag-stay sa bahay. Mahirap na ang ma-shoot sa mga manhole na nakakalat sa tabi-tabi.

3. Maging laging handa.

Alam naman natin lahat ang kailangan kung umuulan. Laging magdala ng payong, kapote o kung puwede pa – bota. Para safe ‘di ba? At kung nasa FX o sasakyan kayo papuntang school, makinig ng radyo. Sa mga ganitong panahon, hindi advisable ang matulog sa vehicle. Be alert. Kaya nga may halos dose oras tayong klase ‘di ba? Para matulog? Ooops.. joke na naman yun… Magdala rin ng extrang saplot sa katawan katulad ng t-shirt, pantalon, brip/panty (basta underwear), medyas, atbp. Para diretso na sa Robinson’s pagkatapos di ba? (Joke joke joke!)

4. Huwag mag-panic sa baha.

Minsan, sa isang buhay ng Mascian, mapepeste ka. Lalo na kung ang mga dadaanan mo ay lubog sa baha, malamang ay ibababa ka na ng FX driver sa dulo ng street at lalakarin mo na lang. Para sa mga sitwasyon na walang takas katulad nito, ito ang tips namin sa inyo:

  •    E kung alam mo naman palang baha e bakit ka pa bumaba? Para maiwasan ito, umuwi ka na lang. Wala nang pasok… di mo ba narinig sa radyo?
  •    Kung pansamantalang nablangko ang kokote mo, at andyan ka na, nakalusong sa baha, ang dapat mong gawin ay… Maglakad. Malamang. Huwag kang tumakbo dahil mahihirapan ka lang lalo na kung hanggang bewang ang tubig. Hindi ito beach. Ang mga tubig na tatalsik sa mukha mo ay punung-puno ng ihi, tae, laway at iba-iba pang basura ng kalikasan.
  •    Kung ikaw ay natatakot ma-shoot sa manhole, problema mo na yun. Huwag tatalun-talon sa tubig sa pag-asa mong maiwasan ang mga butas. Di mo nga nakikita diba? Mamaya ma-swak ka pa.
  •    Kung ikaw ay naiihi at di na mapigilan ang tawag ng kalikasan… pigilan mo pa rin. Kahit nakalubog ang kalahati ng iyong katawan sa tubig, hindi ibig sabihin pwede ka na ring jumingle. Hindi ito beach o swimming pool para ihian. Narinig mo na ba ang leptospirosis? Maawa ka naman. Huwag nang dagdagan ang dumi ng flood water. Pero kung di mo na matiis, bahala ka… sino bang makakaalam?

5. Yehey! Nasa Masci ka na!

Kung sa palagay mong masaya na ang buhay mo at nakarating ka na sa patutunguhan mo, akala mo lang yun. Basa ka na, mabaho pa, jumingle ka pa sa underwear mo tapos papasok ka pa? Depende sa trip nyo yan mga tsong… Well, sa totoong buhay, pagdating mo sa gate ng Masci ay lalo ka pang mapepeste dahil sa layo ng linakbay mo ay wala palang pasok. Pero mas lalo kang mapepeste kung may pasok pa rin pala (Ang gulo ko ‘no?) Siyempre kung may pasok, puwede kang madulas sa CR, bahain sa Lovers’ Lane, matalsikan ng putik sa quad, o ulanin sa classroom (oo, puwede mangyari yun sa Masci). Ano? Kaya nyo pa ba?

At yan ang mabagyong buhay Masci… saya ‘no?

- July 7, 2003

There goes my future in writing. :P

Related Posts:

  • No Related Posts
468 ad

3 comments

  1. Ano yung Masci? :)

    Ang humor na man nadedevelop diba? Sana for the better ika nga :)

  2. mr salazar

    hi paki check naman dyan sa ating school. madumi daw paligid ngayon dyan dahil sa tamad yata mga janitor dyan ngayon

    at pakitingnan at alamin bakit naipaputol mga puno dyan na bahagi na ngkasaysayan ng ating panahon

    at pakicheck din kung gaano katoo ang balita na may naniningil ng 2000 pesos para sa JS Prom

    at may naniningil din na para sa tshirts daw diumano na halangan 70 pesos ang isa subalit napag alaman na ito ay ibinili ng isang lap top ng isang social studies teacher

    nabubulok na ang tradisyon ng masci

    mascian

    • Monique

      2000 na nga po talaga ang singil sa JS Prom. Wala na rin naman talagang prom daw. Grad ball na lang para sa mga fourth year.

      Hindi naman madumi paligid sa MaSci ngayon. Wala na nga lang pong mga puno sa loob dahil may nagpaputol at may mga pinalit na pampaganda.

      Wala nga lang po akong alam tungkol sa sinasabi niyong T-shirt at laptop

Leave a Reply